Ang EPA ay nagkakaloob ng kritikal na impormasyon sa publiko ng America tungkol sa ligtas na paggamit ng disinfectant
MAKIPAG-UGNAYAN: press@epa.gov
WASHINGTON (Abril 23, 2020) — Ngayon, ang Environmental Protection Agency (EPA) ng Estados Unidos ay patuloy sa mga pagsisikap nito na magkaloob ng kritikal na impormasyon sa mga surface disinfectant product na magagamit para protektahan ang kalusugan ng lahat ng mga American habang nagaganap itong pampublikong emergency sa kalusugan na dulot ng COVID-19. Bilang suporta sa mga pagsisikap na ito, ngayon ay may halos 400 mga produkto na ang EPA na kuwalipikado bilang mabisa laban sa SARS-CoV-2, ang virus na sanhi ng COVID-19. Ngayong linggo, ang ahensya ay naglathala ng isang malawakang pananaw ng mga kilos nito at mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong na may kaugnayan sa disinfection laban sa novel coronavirus.
“Ang EPA ay nagsisikap sa misyon nito na protektahan ang kalusugang pantao at nais namin na ang lahat ng mga American ay may access sa mabisa at naaprubahang surfact disinfectant na mga produkto,” sabi ni Alexandra Dapolito Dunn, assistant administrator ng Office of Chemical Safety and Pollution Prevention ng EPA. “Nais rin namin na sundin ng lahat ang mga direksyon sa produkto para ligas naming magamit ang mga nakarehisrong disinfectant at makapagkaloob ng kritikal na proteksyon sa ating mga pamilya.”
Kapag gumagamit ng nakarehistro sa EA na surface disinfectant, parating sundin ang mga direksyon na nasa produkto at tandaan:
- Huwag kailanman gamitin sa inyong sarili o sa iba ang produkto. Huwag inumin ang mga disinfectant na produkto. Kabilang dito ang hindi kailanman paglalagay ng produkto sa List N (ang listahan ng mga disinfectant ng ahensya na magagamit laban sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19) nang direkta sa pagkain.
- Huwag kailanman ipaghalo ang mga produkto maliban na lang kung tinukoy ito sa mga direksyon sa paggamit. Ang ilang mga kombinasyon ng kemikal ay lilikha ng lubos na toxic acids o gases.
- Hugasan ang surface gamit ang sabon at tubig bago lagyan ng mga disinfectant na produkto kung nabanggit sa mga direksyon ang paunang paglilinis.
- Sundin ang contact time (oras ng pagtatagal) na nakalista para sa produkto mo sa List N. Ito ang tagal ng panahon na kailangang manatiling basa ang surface para matiyak ang bisa nito laban sa virus. Minsan ay tumatagal ito ng ilang mga minuto.
- Hugasan ang inyong mga kamay makalipas na gumamit ng disinfectant. Mapapakaunti nito ang pagkakalantad ninyo sa mga kemikal na nasa disinfectant at ang pathogen na sinusubukan ninyong patayin.
Ang EPA ay nagkakaloob ng karagdagang impormasyon sa mga mensaheng pangkaligtasan ng disinfectant sa mga X feed nito, @EPA at @EPAChemSafety.Ang mga channel na ito ay ina-update ng mga bagong materyal sa buong pagtatagal ng COVID-19 na krisis.
Patuloy rin ang EPA sa pagdadagdag ng mga kemikal sa listahan ng mga commodity inert ingredient. Ang mga kilos na ito ay nilalayon na makatulong na matugunan ang mga isyu sa supply chain para sa mga nakarehistro sa EPA na disinfectant at iba pang mga pesticide. Pinapahintulutan nito ang mga manufacturer ng nakarehistro na sa EPA na produkto na baguhin ang pinagkukuhanan ng mga nakalistang inert ingredients.
Para lubos pang matutunan ang tungkol sa kaligtasan sa paggamit ng disinfectant, basahin ang gabay na ito mula sa aming kapartner, ang National Pesticide Information Center, tungkol sa paggamit ng mga disinfectant para makontrol ang COVID-19: http://npic.orst.edu/ingred/ptype/amicrob/covid19.html
Para sa karagdagang impormasyon mula sa EPA sa pagtutugon ng Ahensya sa Coronavirus (COVID-19) sa iba pang mga wika, bumisita sa: www.epa.gov/lep