Ang EPA ay Nagkaloob sa Mga Consumer ng Karagdagang Mga Opsyon para sa COVID-19 Disinfectants
Inaprubahan ng EPA ang higit sa 460 mga produkto na nakakatulong na mabawasan ang pagkalat ng COVID-19
07/23/2020
Impormasyon sa Pakikipag-Ugnayan:
EPA Press Office (press@epa.gov)
WASHINGTON (Hulyo 23, 2020)– Ngayong araw, ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ay nagdagdag ng 32 bagong surface disinfectants sa List N, ang listahan ng mga produkto ng agency na inaasahang makakapatay sa SARS-CoV-2, ang novel coronavirus na nagdudulot ng COVID-19.
“Mula pa sa unang araw, priyoridad ng EPA ang magkaloob sa publiko ng madaling access sa impormasyon na kailangan nila para protektahan ang kanilang sarili at ang kanilang mga pamilya mula sa virus na nagdudulot ng COVID-19.” sabi ni EPA Administrator Andrew Wheeler. “Sa aming pagsisikap na mapalawak ang List N, tinitiyak namin na ang mga American ay may malawak na set ng mga naaprubahang produkto para linisin at ma-disinfect ang surfaces para makatulong na mabawasan ang pagkalat ng coronavirus.”
Ang mga disinfectant ay maaaring maging kuwalipikado para masama sa List N sa tatlong paraan:
- Ang produkto ay nasuri laban sa coronavirus SARS-CoV-2 (COVID-19).
- Ang produkto ay napatunayang mabisa laban sa iba’t ibang mga coronavirus na katulad ng SARS-CoV-2 (COVID-19).
- Ang produkto ay nagpakita ng bisa laban sa isang pathogen na mas mahirap patayin kaysa sa SARS-CoV-2 (COVID-19).
Ang EPA ay nagdagdag ng 32 mga bagong produkto sa List N. Ang mga produktong ito ay naaprubahan na bilang tuberculocidal. Habang ang mga ito ay hindi pa nasuri laban sa SARS-CoV-2, ang mga ito ay naaprubahan para mapatay ang pathogen na nagdudulot ng tuberculosis at inaasahang pumatay sa SARS-CoV-2 (COVID-19) kapag ginamit ayon sa nakasaad sa etiketa (nakatala sa itaas ang category three).
Maraming tuberculocidal na produkto ay malalakas na disinfectant at may matagal nang ginagamit sa paglilinis ng mga ospital at iba pang mga health care na kapaligiran. Kapag ginagamit ang nasabing mga produkto, kritikal na sundin ang mga direksyon sa etiketa, kasama ang mga paunang pag-iingat na pahayag.
Ang mga disinfectant na produkto ay maaaring ma-market at ibenta sa ilalim ng maraming iba’t ibang mga brand at pangalan ng produkto. Samakatuwid, ang mga gumagamit ng List N ay dapat gumamit muna ng unang dalawang seksyon ng registration number ng produkto habang naghahanap sa List N, kaysa sa pangalan ng brand nito. Halimbawa, kung ang EPA Reg. No. 12345-12 ay nasa List N, maaari kayong bumili ng EPA Reg. No. 12345-12-2567 at alam na nakakakuha kayo ng katumbas ng produkto. Para sa karagdagang impormasyon sa paggamit ng registration number ng EPA para maghanap sa List N, basahin ang aming FAQ sa https://www.epa.gov/lep/mga-madalas-na-tanong-tungkol-sa-mga-disinfectant-ang-coronavirus-covid-19.
Sa buong itinatagal ng pampublikong emerhensya sa kalusugan ng COVID-19, ang EPA ay nagkaloob sa publiko ng America ng ipormasyon sa pag-disinfect ng mga surface laban sa SARS-CoV-2. para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtugon ng EPA sa COVID-19 bumisita sa: https://www.epa.gov/lep/tagalog-covid19
Para sa impormasyon ng EPA sa COVID-19 sa iba pang mga wika, bumisita sa: https://www.epa.gov/lep