EPA Strategic Plan
(May kaugnayan na impormasyon sa Ingles)
FY 2018-2022 EPA Strategic Plan (sa wikang Ingles)
Ang Draft na Strategic Plan ng EPA para sa taong FY 2022 – FY 2026 ay available na ngayong para mabigyang komento ng publiko.
Ang Draft FY 2022-2026 EPA Strategic Plan (pdf) (sa wikang Ingles), ay required ng Government Performance and Results Act Modernization Act of 2010 (Public Law 11-352), na nagsasabi at nagbibigay ng roadmap para matamo ang mga priyoridad ng EPA sa loob ng mga susunod na apat na taon. Ang Draft Plan ay nagpapakita ng pitong strategic goal na nakatuon sa pagpoprotekta sa kalusugan ng tao at kapaligiran at sa loob ng apat na cross-agency na mga estratehiya na naglalarawan sa mga mahahalagang paraan na magsisikap ang EPA para mapatupad ang ating misyon. Sa kasalukuyan, hangad ng EPA ang mga komento sa Draft Plan mula sa mga Tribe, mga estado, lokal na gobyerno, industriya, academic community, non-governmental na organisasyon, mga indibiduwal na mamamayana, at iba pang mga interesadong panig. Ang mga komento ng publiko sa Draft Plan ay dapat matanggap sa o bago sumapit ang Nobyembre 12, 2021 at maaaring isumite sa Federal eRulemaking Portal, na kinikilala ng Docket Number EPA-HQ-OA-2021-0403, sa www.regulations.gov (sa wikang Ingles).Inaasahan ng agency na isumite ang final na Plan sa Kongreso sa Pebrero 2022.
Press Release: Nagpalabas ang EPA ng Draft na Strategic Plan para Matugunan ang Pagbabago sa Klima at Advance Environmental Justice and Equity
Fact sheet: FY 2022-2026 na Strategic Plan ng EPA (sa wikang Ingles) (pdf)
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Draft Strategic Plan, mangyaring makipag-ugnayan sa younes.lina@epa.gov or call 202-494-4419.