Inaprubahan ng EPA ang unang mga surface disinfectant na produkto na sinubukan sa SARS-CoV-2 virus
07/06/20
Impormasyon sa pakikipag-ugnayan: EPA Press Office (press@epa.gov )
WASHINGTON (Hulyo 6, 2020) — Sa kabuuan ng COVID-19 na emergency sa kalusugang pampubliko, ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ay nagtrabaho para makapagkaloob sa publiko ng America ng impormasyon kung paano ligtas at mabisang mapatay ang novel coronavirus, SARS-CoV-2, sa mga surface. Noong isang linggo, inaprubahan ng EPA ang dalawang produkto, ang Lysol Disinfectant Spray (EPA Reg No. 777-99) at ang Lysol Disinfectant Max Cover Mist (EPA Reg No. 777-127), batay sa pagsusuri sa laboratoryo na ipinapakita na ang mga produkto ay mabisa laban sa SARS-CoV-2.
“May pananagutan ang EPA na tukuyin ang mga bagong tools at magkaloob ng mga wasto at nasasapanahong mga impormasyon para makatulong sa publiko ng America upang maprotektahan ang kanilang sarili at ang mga pamilya nila mula sa novel coronavirus,” sinabi ni EPA Administrator na si Andrew Wheeler. “Ang review ng EPA sa mga produkto na nasuri laban sa virus na ito ay nagmamarka ng isang mahalagang milestone sa kabuuan ng pamamaraan ng gobyerno ni President Trump upang malabanan ang pagkalat ng COVID-19.”
Bago legal na makapag-claim ang mga pesticide na produkto na nakakapatay sila ng isang partikular na pathogen tulad ng SARS-CoV-2, ang claim ay dapat na bigyang awtorisasyon ng EPA batay sa pagre-review sa data. Dahil ang novel na mga virus ay karawaning hindi agad na available para masuri sa laboratoryo, nagtatag ang EPA ng patnubay para sa Emerging Viral Pathogens. (Sa Wikang Ingles)
Noong Enero 2020, pinagana ng agency ang patnubay sa unang pagkakataon bilang tugon sa SARS-CoV-2 na emergency sa pampublikong kalusugan. Ang patnubay ay nagpapahintulot sa mga manufacturer ng produkto na magbigay sa EPA ng data, kahit pauna pa sa outbreak, na nagpapakitang ang mga produkto nila ay mabisa laban sa mas mahirap na patayin na mga virus kaysa sa SARS-CoV-2. Sa pamamagitan ng patnubay na ito at ang pagre-review ng agency sa mga bagong narehistrong produkto, ang listahan ng mga produkto ng EPA na nakakatugon sa kriterya ng agency para magamit laban sa SARS-CoV-2 (na kilala bilang List N) ay may kasamang higit sa 420 mga produkto. Sa karamihan, ang agency ay nakapag-apruba rin sa mga claim ng kasing bilis ng 14 araw.
Ngayong linggo, na-update ng EPA ang mga entry para sa dalawang produkto sa List N para mapakita na ang mga ito ay direktang nasuri na laban sa SARS-CoV-2. Ang mga ito ang unang mga produkto sa List N na na-review ng agency ang testing data sa laboratoryo at naaprubahan ang mga claim sa etiketa laban sa SARS-CoV-2. Inaasahan ng EPA na maaprubahan ang mga nasabing claim para sa karagdagang List N na mga produkto sa darating na mga linggo.
Ang lahat ng mga produkto sa List N ng EPA ay nakakatugon sa kriterya ng agency sa pagkabisa laban sa SARS-CoV-2. Kapag gumagamit ng isang disinfectant na nakarehistro sa EPA, sundin ang mga direksyon sa etiketa para sa ligtas at mabisang paggamit. Tiyakin na sundin ang oras ng kontak, na ang tagal ng panahon na ang surface ay nakikitang basa. Basahin ang infographic ng agency kung paano gamitin ang mga produktong ito. (Sa wikang Ingles)
Basahin ang infographic ng agency kung paano gamitin ang mga produktong ito: https://www.epa.gov/lep/anim-na-hakbang-para-sa-ligtas-mabisang-paggamit-ng-disinfectant
Karagdagang impormasyon sa mga pagsisikap laban sa coronavirus ng EPA: https://www.epa.gov/lep/tagalog-covid19
Karagdagang impormasyon sa mga pagsisikap laban sa coronavirus ng EPA sa iba’t ibang mga wika: https://www.epa.gov/lep