Ipinahayag ng EPA ang mga Oportunidad para sa Input ng Publiko sa Mga Pagpapahusay ng Environmental Justice para sa Lead at Copper na Tuntunin
AHENSYA:
Environmental Protection Agency (EPA).
KILOS:
Abiso ng pampublikong meeting
BUOD:
Ang Environmental Protection Agency (EPA) ay namumuno sa dalawang magkatulad na pampublikong meeting para talakayin at makakuha ng iput sa mga konsiderasyon para sa environmental justice na may kaugnayan sa pagdevelop ng namungkahing Lead and Copper Rule Improvements (LCRI) national primary drinking water regulation (NPDWR) sa ilalim ng Safe Drinking Water Act (SDWA). Sa konteksto ng pagdevelop nitong namungkahing regulasyon, ang mga konsiderasyon sa environmental justice ay may kasamang patas na pakikitungo at makabuluhang pakikibahagi ng lahat anuman ang lahi, kulay, pinagmulang bansa, o kita na isinasaalang-alang ang development, pagsasakatuparan, at pagpapatupad ng mga batas, regulasyon, at patakaran hinggil sa kapaligiran na may partikular na pagtuon ng pansin sa mga bukod tanging hamon na hinaharap ng mga komunidad na di nararapat na nahihirapan sanhi ng mga pinsala at panganib sa kapaligiran. Ang EPA ay nagsasagawa ng mga meeting na ito para makapagbahagi ng impormasyon at magbigay ng oportunidad sa mga komunidad na makapaghandog ng input sa mga konsiderasyon para sa pagde-develop ng namungkahing LCRI. Ang impormasyon kung paano magparehistro at i-request na makapagsalita sa isa sa mga meeting ay detalyadong nakasaad sa KARAGDAGANG IMPORMASYON na seksyon nitong pahayag na ito.
MGA PETSA:
Ang mga komento ay dapat matanggap sa pagsapit o bago ang Nobyembre 15, 2022. Ang dalawang magkaparehong pampublikong meeting ay magaganap sa Oktubre 25, 2022 (1 p.m. hanggang 4 p.m., eastern time) at Nobyembre 1, 2022 (5 p.m. hanggang 8 p.m., eastern time). Ang mga pampublikong meeting ay magaganap sa isang online lamang na format.
MGA ADDRESS:
Maaari kang magpadala ng mga komento, na kikilalanin sa Docket ID No. EPA-HQ-OW-2022-0801,sa Federal eRulemaking Portal: https://www.regulations.gov/. Sundin ang mga instruksyon online sa pagsusumite ng mga komento.
Mga Instruksyon: Kailangang banggitin sa lahat ng mga isusumite ang Docket ID No. EPA-HQ-OW-2022-0801 para sa pagkilos na ito. Ang mga komento na natanggap ay maaaring i-post ng walang pagbabago sa https://www.regulations.gov/, kasama ang anumang personal na impormasyon. Para sa detalyadong mga instruksyon sa pagpapadala ng mga komento at karagdagang impormasyon sa proseso ng pagtatakda ng mga tuntunin, tingnan ang “Pampublikong Palalahok” na pamagaa ng KARAGDAGANG IMPORMASYON na seksyon ng pahayag na ito.
PARA SA KARAGDAGANG
IMPORMASYON MAKIPAG-UGNAYAN SA:
Zaineb Alattar, Standards and Risk Management Division, Office of Ground Water and Drinking Water, U.S. Environmental Protection Agency, 1200 Pennsylvania Ave. NW, Washington, DC 20460; telephone number: (202) 564-9458; email address: LCRI@epa.gov. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa namungkahing LCRI NPDWR, bumisita sa: https://www.epa.gov/ground-water-and-drinking-water/lead-and-copper-rule-improvements.
KARAGDAGANG IMPORMASYON:
I. Pampublikong Paglalahok
Ang mga online meeting na ito ay bukas sa publiko at hinihikayat ng EPA ang input mula sa mga tao at magkakaloob ng mga oportunidad para sa pakikibahagi ng publiko sa environmental justice na may kaugnayan sa pag-develop ng namungkahing LCRI.
A. Mga Nakasulat na Komento
Isumite ang iyong mga komento, na kikilalanin ng Docket ID No, EPA-HQ-OW-2022-0801 sa https://www.regulations.gov; basahin ang mga instruksyon na kinilala sa MGA ADDRESS na seksyon ng pahayag na ito. Sa sandaling naisumite ang mga komendot ay hindi puwedeng baguhin o alisin mula sa docket. Maaaring ilathala ng EPA ang anumang komento na natanggap sa pampublikong docket na ito. Huwag magsumite ng anumang impormasyon na ikinokonsidera ninyong Confidential Business Information (CBI) o kompidensyal na impormasyong pang-negosyo o iba pang impormasyon na ang pagsisiwalat ay ipinagbabawal ayon sa batas. Ang mga multimedia submissions (audio, video, etc.) ay dapat na may kasamang nakasulat na komento. Ang nakasulat na komento ay ikinokonsiderang isang opisyal na komento at dapat may kasamang pagtatalakay ng lahat ng mga punto na nais mong ibahagi. Karaniwang di kinokonsidera ng EPA ang mga komento o nilalaman ng komento na nasa lahat ng unang pagsusumite (hal. sa web, cloud, o iba pang file sharing system). Para sa mga karagadgang pamamaraan ng pagsusumite, ang kumpletong patakaran ng EPA sa pampublikong komento, impormasyon tungkol sa CBI o multilingual na pagsusumite, at pangkalahatang gabay sa pagbibigay ng mabisang komento, mangyaring bumisita sa https://www.epa.gov/dockets/commenting-epa-dockets.
B. Paglalahok sa Pampublikong Meeting
Pagrerehistro: Ang mga indibiduwal na plano na lumahok sa online na pampublikong meeting ay dapat magparehistro sa https://www.epa.gov/ground-water-and-drinking-water/lead-and-copper-rule-improvements ng hindi lalampas sa Oktubre 24, 2022, para sa Oktubre 25, 2022, meeting at Oktubre 31, 2022, para sa Nobyembre 1, 2022, meeting. Ang mga indibiduwal ay inaanyayahan rin na magsalita tungkol sa mga konsiderasyon sa environtal justice para sa namungkahing LCRI habang isinasagawa ang mga meeting. Ang mga interesado na magsalita ay maaaring mag-sign up para makapagbigay ng maiiksing verbal na mungkahi bilang parte ng kanilang pagrerehistro. Gagawin ng EPA ang lubos ng makakayanan nito para isama ang lahat ng mga interesadong dumalo at mag-request ng verbal input pero limitado ang pagdadalo sanhi ng laki ng web conferencing o limitasyon ang mga verbal na pagpapahayag sanhi ng mga limitasyon sa oras ng meeting; samakatuwid, hinihikayat ng EPA ang mga tao na maagang magparehistro. Ang impormasyon sa meeting at mga detalye ng web conferencing meeting, kasama na ang impormasyon para sa pagtawag sa telepono, ay ipapadala sa pamamagitan ng email sa mga nakarehistrong kalahok bago ang bawat meeting. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa pagpaparehistro sa pampublikong meeting o kailangan ng tulong sa pagsali, mangyaring magpadala ng email sa LCRIMeetingSupport@cadmusgroup.com. Kung mayroon kang mga karagdagang tanong o komento tungkol sa meeting, mangyaring magpadala ng email sa LCRI@epa.gov.
Mga Espesyal na Akomodasyon: Para sa impormasyon sa electronic access o akomodasyon para sa mga indibiduwal na may kapansanan o iba pang hiniling na tulong ( hal., pagsasalin-wika), mangyaring makipag-ugnayan kay Zaineb Alattar sa (202) 564-9458 o sa pamamagitan ng email sa LCRI@epa.gov. Mangyaring bigyan ng limang araw na may pasok sa trabaho bago ang bawat meeting upang mabigyan ng oras ang EPA na maproseso ang iyong request.
II. Ang Namungkahing Regulasyon ng LCRI para sa National Primary Drinking Water
Sa ilalim ng SDWA, ang EPA ay nagtatakda ng mga pampublikong layuning pangkalusugan at mapapatupad na mga standard para sa kalidad ng iniinom na tubig. Paunang tinugunan ng EPA ang lead sa iniinom na tubig sa pamamagitan ng orihinal na Lead and Copper Rule (LCR), isang NPDWR na naisabatas noong 1991 sa ilalim ng SDWA. Noong Enero 2021, ipinalabas ng EPA ang Lead and Copper Rule Revisions (LCRR) at kasunod nito ay binalikan ang mga pagbabago nito para lubos pang matasa ang proteksyon para sa mga pamilya at komunidad ng LCRR, lalo na iyong mga di nararapat na naaapektuhan ng lead sa iniinom na tubig. Sa LCRR Review, tinukoy ng EPA ang mga sumusunod na area ng priyoridad na dapat mapahusay: proactive at patas na pagpapalit sa lead service line, pagpapalakas sa pagsusunod sa pagkuha ng sample ng tap (tubig sa gripo) para mas makilala ang mga komunidad na pinakananganganib sa lead sa iniinom na tubig at pilitin ang mga kilos para mabawasan ang lead, at pagbabawas sa kahirapan ng regulasyon sa pamamagitan ng pagpapahusay sa kilos at mapasimulan ang pag-aayos sa level. Noong Disyembre 16, 2021, ipinahayag ng EPA na magtatakda ito ng tuntubin (ang LCRI) para matugunan ang mga pagpapahusay na ito. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa LCRR Review at ang desisyon ng ahensya na makapag-develop ng namungkahing LCRI NPDWR, basahin ang “Review of the National Primary Drinking Water Regulation: Lead and Copper Rule Revisions (LCRR)” (86 FR 71574) (Disyembre 17, 2021). Nilalayon ng EPA na imungkahi ang komento ng publiko sa isang bagong tuntunin para baguhin ang LCRR upang mapasulong ang mga layuning nailarawan sa itaas habang nababalanse ang mga interes ng stakeholder at pagsasali ng hinihiling na economic, environmental justice, at iba pang mga pagsusuri. Nilalayon ng agency na magmungkahi sa LCRI sa taong 2023 at gumawa ng panghuling kilos sa pagsapit ng Oktubre 16, 2024.
Jennifer L. McLain,
Director, Office of Ground Water and Drinking Water.
[FR Doc. 2022-21857 Filed 10-7-22; 8:45 am]
BILLING CODE 6560-50-P