Magdo-donate ang EPA ng Personal Protective Equipment (PPE) sa Mga State at Lokal na Responder na Nakikipaglaban sa COVID-19 sa Buong Bansa
04/06/2020
Impormasyon sa Pakikipag-Ugnayan:
Press@epa.gov
WASHINGTON (Abril 6, 2020) — Ngayong araw, ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ay nagsabing nakatiyak ito ng humigit-kumulang sa 225,000 mga piraso ng personal protective equipment (PPE) na available para suportahan ang pagtugon sa COVID-19 .
“Matinding nagtatrabaho ang EPA para suportahan ang mga first responder ng ating bansa dahil nalalagay nila ang kanilang sarili sa panganib para maligtas ang buhay ng iba habang nagaganap itong coronavirus pandemic,” sabi ni EPA Administrator Andrew Wheeler. “Makalipas na suriin ang aming imbentaryo ng personal protective equipment, may natiyak kaming mga sobrang supply at ipinadala ang mag ito doon sa mga nasa frontline sa laban na ito. Naririto ang EPA para tumulong sa anumang paraan at aking hinihikayat ang lahat na ganito rin ang gawin.”
Sa mga susunod na araw, ang EPA ay magde-develop ng isang plano para sa mabilisang pamamahagi ng available na mga personal protective equipment sa FEMA o state o lokal na gobyernong nangangailangan nito, na nagtatrabaho sa mga operasyon laban sa COVID-19. Kasama sa mga item ang protective disposable gloves, at full-body protective cover-all suits.
May itinatabi parati ang EPA na supply ng mga personal protective equipment bilang parte ng emergency response na tungkulin ng Ahensya, tulad ng pagtutugon sa kemikal, oil, radiological, biological at mapepeligrong aksidente. Nagkakaloob rin ang EPA ng karagdagang tulong sa pagtugon kapag naubos na ang mga kakayahan ng estado at ng lokal na first responder o kapag humiling ng dagdag na suporta. Natiyak ng Ahensya ang sobrang personal protective equipment makalipas na tasahin kung gaano karaming equipment ang kinakailangan para suportahan ang mahahalagang tungkulin ng EPA: Magdodonate ang EPA ng sobrang equipment habang nagtatabi pa rin ito ng maaaring kailanganin sa kaganapan ng pagtutugon sa isang emergency
Para sa impormasyon sa pagiging bahagi ng EPA sa pagtugon laban sa COVID-19, mangyaring magpunta sa: https://www.epa.gov/coronavirus.
Para sa impormasyon sa pagiging bahagi ng EPA sa pagtugon laban sa COVID-19 sa maraming mga wika, mangyaring bumisita sa: https://www.epa.gov/lep