Skip to main content
U.S. flag

An official website of the United States government

Here’s how you know

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

HTTPS

Secure .gov websites use HTTPS
A lock (LockA locked padlock) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

    • Environmental Topics
    • Air
    • Bed Bugs
    • Cancer
    • Chemicals, Toxics, and Pesticide
    • Emergency Response
    • Environmental Information by Location
    • Health
    • Land, Waste, and Cleanup
    • Lead
    • Mold
    • Radon
    • Research
    • Science Topics
    • Water Topics
    • A-Z Topic Index
    • Laws & Regulations
    • By Business Sector
    • By Topic
    • Compliance
    • Enforcement
    • Laws and Executive Orders
    • Regulations
    • Report a Violation
    • Environmental Violations
    • Fraud, Waste or Abuse
    • About EPA
    • Our Mission and What We Do
    • Headquarters Offices
    • Regional Offices
    • Labs and Research Centers
    • Planning, Budget, and Results
    • Organization Chart
    • EPA History

Breadcrumb

  1. Home
  2. Information for Individuals with Limited English Proficiency

Mga Abisong Pangkalusugan sa Iniinom na Tubig para sa PFAS

Fact Sheet para sa mga Komunidad

Drinking Water Health Advisories for PFAS: Fact Sheet for Communities

Balangkas na Pagtatatwa para sa Mga Nagbibigay Abisong Materyal hinggil sa Kalusugan

MANGYARING TANDAAN: Ang EPA ay may pananagutan sa pagpapasulong sa science upang maprotektahan ang pampublikong kalusugan mula sa mga panganib ng pagkakalantad sa ilang mga PFAS, at para makapagkaloob ng mahahalagang nagpoprotektang impormasyon para sa kalusugan sa mga regulator at sa publiko. Ito ang dahilan kung bakit inilathala ng EPA ang pansamantalang Mga Abisong Pangkalusugan (Health Advisory) para sa PFOA at PFOS noong Hunyo 2022, batay sa matatag na assessment sa pinakamainam na available na science noong panahong iyo. Noong Marso 14, 2023, nagpalabasang EPA ng iminungkahing national primary drinking water regulation (NPDWR) para sa PFOA at PFOS, at pati na rin apat na pandagdag na PFAS at ang mga mixture nito. Ang tuntuning ito ay nakonsiderang mga dagdag na update sa science at tumutugon sa feedback ng review mula sa mga kasamahan na binigay ng Science Advisory Board ng EPA. 

Sa naimungkahing tuntunin, nagpakita ang EPA ng na-update na noncancer toxicity values batay sa pagtatasa sa mga karagdagang scientific na impormasyon. Ang mga na-update na value na ito ay iba mula doon sa ginamit para makuwenta ang 2022 na pansamantalang mga HA, na binatay ng EPA sa pinakamahusay na available na science noong panahong iyon. Tumatanggap ang EPA ng mga komento mula sa publiko sa namungkahing NPDWR nito, kasama ang namungkahing maximum contaminant level goals (mga MCLG), iba pang nagsusuportang impormasyon, at ang balangkas na 2023 toxicity values para sa PFOA at PFOS na batay sa pinakamahusay na available na science. Tandaan na ang mga MCLG sa namungkahing tuntunin ay zero. 

Ang  2022 interim Health Advisories para sa PFOA at PFOS ay patuloy na mananatiling available habang tinatapos ng EPA ang national primary drinking water regulation para sa mga contaminant na iyon.  

Noong Hunyo 15, 2022, nagpalabas ang EPA ng apat na abisong pangkalusugan sa iniinom na tubig para sa per- at polyfluoroalkyl substances (PFAS). Sa pagpapalabas ng mga abisong pangkalusugan sa iniinom na tubig na ito, ang EPA ay kumikilos na alinsunod sa misyon at responsibilidad para protektahan ang kalusugan ng publiko at mapanatili ang mga komunidad na may kaalaman kapag naging available ang bagong science. May pananagutan ang EPA na makipag-partner sa mga estado, Tribes, teritoryo, at water utility, at ang bagong mga abisong pangkalusugan ng agency ay kumakatawan sa pangunahing input na magagamit para makapagbigay paliwanag sa pagtutugon sa mga PFAS sa iniinom na tubig, kasama na ang pagbabantay sa kalidad ng tubig, pagbabago sa mga pinagkukuhanan ng iniinom na tubig o pagbabago sa paggagamot para mabawasan ang pagkakalantad sa mga substance na ito. Ipinahayag rin ng EPA na inaanyayahan nito ang mga estado at territoryo na mag-apply para sa $1 bilyon – ang una sa $5 bilyon na Bipartisan Infrastructure Law grant funding – para matugunan ang PFAS at iba pang mga lumalabas na contaminant sa iniinom a tubig, lalo na sa maliliit at mahihinang komunidad.

Ano ang PFAS?

Ang PFAS ay isang grupo ng mga manufactured na kemikal na ginamit sa industriya at mga consumer product mula pa noong 1940s. Libo-libo ang mga PFAS, kung saan ang ilan ay mas malawak na nagagamit at napag-aaralan kaysa sa iba. Ang isang karaniwang ikinababahala ay karaniwang dahan-dahan na nasisira ang PFAS, na nangangahulugan na ang mga concentration ay maaaring maipon sa mga tao, hayop, at kapaligiran sa paglipas ng panahon.

Ang Perfluorooctanoic Acid (PFOA) at Perfluorooctane Sulfonate (PFOS) ay dalawang pinakakaraniwang ginagamit at pinag-aaralan na mga kemikal sa PFAS group. Ang PFOA at PFOS ay pinalitan sa Estados Unidos ng iba pang PFAS nitong kamakailang mga taon. Sa chemical at product na manufacturing, ang mga GenX na kemikal ay nakokonsidera na kapalit ng PFOA, at perfluorobutane sulfonate (PFBS) ay ikinokonsidera na pamalit sa PFOS.  

Ano ang Abisong Pangkalusugan?           

Ang mga abisong pangkalusugan sa iniinom na tubig ay nagbibigay ng impormasyon sa mga contaminant na maaaring makapagdulot ng epekto sa kalusugan ng tao at kilala na o inaasahan na magkakaroon sa iniinom na tubig. Ang mga abisong pangkalusugan ng EPA ay di napapatupat at di regulatory at nagbibigay ng technical na impormasyon sa mga ahensya ng estado at iba pang mga opisyal sa pampublikong kalusugan sa mga epekto sa kalusugan, mga analytical na pamamaraan, at teknolohiya sa paggagamot na nauugnay sa kontaminasyon ng iniinom na tubig.

Ang panghabang buhay na mga abisong pangkalusugan ng EPA ay kumikilala sa mga level para maprotektahan ang lahat, kasama na ang mga sensitibong populasyon at mga yugto ng buhay, mula sa mga salungat na epekto sa kalusugan na resulta ng pagkakalantad ng buong buhay nila sa mga PFAS na ito sa iniinom na tubig. Ang mga level sa abisong pangkalusugan ay kinukuwenta para makapaghandog ng margin ng proteksyon laban sa mga salungat na epektong pangkalusugan. Ang panghabang buhay na mga payong pangkalusugan ng EPA ay nagsasaalang-alang rin sa posibleng mga pinagmumulan ng pagkakalantad sa mga PFAS na ito na higit pa sa iniinom na tubig (halimbawa, nasa pagkain, hangin, mga consumer product, atbp.) na nagkakaloob ng karagdagang antas ng proteksyon.

Ano ang Batayan ng Bagong Mga Abisong Pangkalusugan ng EPA?

Ang pansamantalang na-update na mga abisong pangkalusugan para sa PFOA at PFOS ay batay sa pag-aaral ng tao sa mga populasyon na nalantad sa mga kemikal na ito. Natuklasan sa mga pag-aaral sa tao ang ugnayan sa pagitan ng pagkakalantad sa PFOA at/o PFOS at ng mga epekto sa immune system, sa cardiovascular system, development ng tao (hal. bumabang timbang kapag pinanganak), at kanser. Ang panghuling mga abisong pangkalusugan para sa mga GenX na kemikal at PFBS ay batay sa mga pag-aaral sa hayop kasunod ng oral na pagkakalantad sa mga kemikal na ito. Ang GenX na kemikal ay naugnay sa mga epekto sa kalusugan sa atay, sa bato, sa immune system, at mga epekto sa development, at pati na rin kanser. Ang PFBS ay naugnay sa mga epektong pangkalusugan sa thyroid, reproductive system, development, at bato.

Bakit Ipinapalabas ng EPA ang Pansamantalang Na-update na Abisong Pangkalusugan para sa PFOA at PFOS?

Alinsunod sa misyon at responsibilidad ng EPA para protektahan ang pampublikong kalusugan at mapanatili ang mga komunidad na may kaalaman kapag available na ang bagong science, ang EPA ay nagpapalabas ng pansamantalang na-update na abisong pangkalusugan para sa PFOA at PFOS batay sa bagong scientific na impormayson sa mga epekto sa kalusugan ng mga kemikal na ito. Ang mga pansamantalang abisong pangkalusugan na ito ay ipapatupad hanggang ang darating ng EPA na PFAS na National Primary Drinking Water Regulation ay napatupad na.

Ano ang Mga Level ng Abisong Pangkalusugan?

  • Pansamantalang na-update na Abisong Pangkalusugan ng PFOA = 0.004 parte kada trillyon (ppt)
  • Pansamantalang na-update na Abisong Pangkalusugan ng PFOs = 0.02 ppt
  • Panghuling Abisong Pangkalusugan para sa GenX na mga kemikal = 10 ppt
  • Panghuling Abisong Pangkalusugan para sa PFBS = 2,000 ppt 

Ano ang Kahulugan nito para sa Mga Komunidad?

Kinikilala ng agency na ang mga bagong abisong pangkalusugan ay maaaring maging sanhi ng maraming mga katanungan. Hinihikayat ng EPA ang mga tao na nasasangkopt na alamin ng mga tao ang tungkol sa PFAS, kasama na ang mga kilos na maaaring isinasagawa na at mga oportunidad para bawasan ang pagkakalantad. Ang EPA ay lumikha ng mga sagot sa listahan ng mga mahahalagang tanong na may kaugnayan sa abisong ito para makatulong sa mga miyembro ng publiko upang lubos silang matuto.

Kung ikaw ay nababahala sa PFAS sa iyong iniinom na tubig, inirerekumenda sa inyo ng EPA na makipag-ugnayan sa iyong lokal na water utility para lubos pang matutunan ang tungkol sa iyong iniinom na tubig at para makita kung ang mga ito ay nagbabantay sa data para sa PFAS o nagbibigay ng anumang tiyak na rekumendasyon para sa iyong komunidad. Inirerekumenda ng EPA na ang mga pampublikong water system na naghahanap ng PFOA o PFOS sa kanilang iniinom na tubig ay dapat kumuha ng mga hakbang para mabigyang impormasyon ang mga customer, magsagawa ng karagdagang sampling para matasa ang level, saklaw, at pinagmulan ng kontaminasyon, at masuri ang mga hakbang para malimitihan ang pagkakalantad.

Sa maraming mga komunidad, ang mga opisyal na pubilko ay nagsagawa ng mga hakbang para mabawasan ang pagkakalantad sa PFAS sa iniinom na tubig. Ipinapahiwatig sa mga agham na ang mas mababang mga antas ng pagkakalantad sa PFAS ay nagpapakita ng mas maliit na panganib, kaya’t ang mga pagsisikap na ito ay nakakatulong na protektahan ang kalusugan ng publiko.

Ang mga system ng iniinom na tubig ay nagbawas sa pagkakalantad sa PFAS sa pamamagitan ng pagbabago ng mga rate ng paghahalo ng mga pinagkukuhanan ng tubig, o pagkakabit ng mga teknolohiya na nag-aalis sa PFAS mula sa tubig (tulad ng granular activated carbon o reverse osmosis).

Kung ikaw ay nababahala sa PFAS sa iyong iniinom na tubig:

  • Alamin ang tungkol sa pagsusuri at kilos na maaaring nagawa ng iyong water system, o mag-request ng pagsusuri.
  • Kung mayroon kayong balon sa bahay para sa iniinom na tubig, tiyakin na napoprotektahan ninyo ito at napapanatiling maayos ang paggana: https://www.epa.gov/ground-water-and-drinking-water (sa Ingles)
  • Ikonsidera ang anumang mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong at rekumendasyon mula sa iyong estado: https://www.epa.gov/pfas/us-state-resources-about-pfas (sa Ingles)
  • Balik-aralan ang Meaningful and Achievable Steps You Can Take to Reduce Your Risk (Makabuluhan at Matatamong Mga Hakbang na Magagawa Mo Para Mabawasan ang Iyong Panganib) ng EPA: https://www.epa.gov/pfas/meaningful-and-achievable-steps-you-can-take-reduce-your-risk (sa Ingles)
  • Balik-aralan ang mga tanong at sagot ng EPA tungkol sa mga abisong pangkalusugan sa iniinom na tubig na ito: https://www.epa.gov/sdwa/questions-and-answers-drinking-water-health-advisories-pfoa-and-pfos (sa Ingles)
  • Sundin ang progreso ng EPA sa pagde-develop ng PFAS National Drinking Water Regulation: https://www.epa.gov/sdwa/and-polyfluoroalkyl-substances-pfas (sa Ingles)
  • Alamin ang tungkol sa pagpopondo ng EPA sa pamamagitan ng Bipartisan Infrastructure Law para mabawasan ang PFAS sa tubig: https://www.epa.gov/dwcapacity/wiin-grant-emerging-contaminants (sa Ingles)
  • Lubos pang matutunan ang tungkol sa PFAS at balikan ang Balangkas ng Estratehiya ng PFAS ng agency: https://www.epa.gov/pfas/pfas-strategic-roadmap-epas-commitments-action-2021-2024 (sa Ingles) 

* Listahan ng mga Acronym: Per- and poly-fluoroalkyl substances (PFAS); Perfluorooctanoic Acid (PFOA); Perfluorooctane Sulfonic Acid (PFOS); Perfluorobutane Sulfonic Acid at ang Potassium Salt (PFBS) nito; Hexafluoropropylene Oxide (HFPO) Dimer Acid at ang Ammonium Salt (GenX Chemicals) nito

Information for Individuals with Limited English Proficiency

  • عربى
  • 简体版
  • 繁體版
  • Français
  • Kreyòl ayisyen
  • 한국어
  • Português
  • Pусский
  • Tagalog
  • Tiếng Việt
Contact Us about Information in Languages Other than English
Contact Us to ask a question, provide feedback, or report a problem.
Last updated on February 19, 2025
  • Assistance
  • Spanish
  • Arabic
  • Chinese (simplified)
  • Chinese (traditional)
  • French
  • Haitian Creole
  • Korean
  • Portuguese
  • Russian
  • Tagalog
  • Vietnamese
United States Environmental Protection Agency

Discover.

  • Accessibility Statement
  • Budget & Performance
  • Contracting
  • EPA www Web Snapshot
  • Grants
  • No FEAR Act Data
  • Plain Writing
  • Privacy
  • Privacy and Security Notice

Connect.

  • Data
  • Inspector General
  • Jobs
  • Newsroom
  • Regulations.gov
  • Subscribe
  • USA.gov
  • White House

Ask.

  • Contact EPA
  • EPA Disclaimers
  • Hotlines
  • FOIA Requests
  • Frequent Questions
  • Site Feedback

Follow.