Mga madalas na katanungan tungkol sa iniinom na tubig, wastewater at Coronavirus (COVID-19)
(Frequent questions about drinking water and Coronavirus (COVID-19))
Basahin ang mga madalas na katanungan na may kaugnayan sa iniinom na tubig, wastewater at Coronavirus (COVID-19) at hanapin ang mga mahahalagang mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong sa EPA.
Sa pahinang ito:
Iniinom ng Tubig
- Kailangan ko bang pakuluan ang aking iniinom na tubig?
- Ligtas bang gamitin ang tubig na galing sa gripo para hugasan ang kamay?
- Ligtas bang inumin ang tubig na galing sa gripo?
- Kailangan ko bang bumili ng bottled water o magtabi ng iniinom na tubig?
- Ano ang tungkulin ng EPA sa pagtitiyak na mananatiling ligtas ang iniinom na tubig?
- Ano ang dapat kong gawin kung nababahala ako sa aking iniinom na tubig?
Wastewater at Mga Septic System
- Maaari ba akong magkaroon ng COVID-19 mula sa wastewater o sewage?
- Magagamot ba ng aking septic system ang COVID-19?
- Nagagamot ba ng mga wastewater treatment plan ang COVID-19?
- Dapat bang higit na mag-ingat ang mga manggagawa sa wastewater para maprotektahan ang kanilang sarili mula sa COVID-19 virus?
Iniinom ng Tubig
Kailangan ko bang pakuluan ang aking iniinom na tubig?
Hindi kinakailangang pakuluan ang inyong tubig bilang pag-iingat laban sa COVID-19.
Ligtas bang gamitin ang tubig na galing sa gripo para hugasan ang kamay?
Inirerekumenda ng EPA na patuloy na gamitin at uminom ng tubig na galing sa gripo ang lahat ng mga American tulad nang nakagawian na. Ayon sa CDC, ang paghuhugas ng inyong kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig ng kahit man lang 20 segundo ay nakakatulong na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Basahin ang patnubay ng CDC sa paghuhugas ng kamay. (Sa Wikang Ingles)
Ligtas bang inumin ang tubig na galing sa gripo?
Inirerekumenda ng EPA na patuloy na gamitin at uminom ng tubig na galing sa gripo ang lahat ng mga American tulad nang nakagawian na. Ipinahayag ng World Health Organization (WHO)EXITna, “hindi natuklasan ang pagkakaroon ng COVID-19 sa mga supply ng iniinom na tubig at batay sa kasalukuyang katibayan, ang panganib sa mga supply ng tubig ay mababa.” 1 Dagdag pa dito, ayon sa CDC, ang COVID-19 ay pangunahing nakakalat sa pagitan ng mga taong may malapit na kontak sa isa’t isa. Basahin nang lubos pa ang impormasyon mula sa CDC tungkol sa pagkakalat o paghahawa sa iba ng COVID-19. Higit pa dito, ang mga regulasyon sa iniinom na tubig ng EPA ay nangangailangan ng paggagamot sa pampublikong mga water system para maalis o mapatay ang mga pathogen, kasama na ang mga virus.
1 World Health Organization. 2020. Teknikal na Buod. Tubig, sanitation, hygiene at waste management para sa COVID-19 virus. Marso.
Website: https://www.who.int/publications-detail/water-sanitation-hygiene-and-waste-management-for-covid-19. Numero ng Sanggunian: WHO/2019-NcOV/IPC_WASH/2020.1
Kailangan ko bang bumili ng bottled water o magtabi ng iniinom na tubig?
Inirerekumenda ng EPA na patuloy na gamitin at uminom ng tubig na galing sa gripo ang lahat ng mga mamamayan tulad nang nakagawian na. Sa ngayon, walang mga hudyat na ang COVID-19 ay matatagpuan sa supply ng iniinom na tubig o makaka-apekto sa maaasahang supply ng tubig.
Ano ang tungkulin ng EPA sa pagtitiyak na mananatiling ligtas ang iniinom na tubig?
Nagtatag ang EPA ng mga regulasyon sa mga kahilingan sa paggagamot ng pampublikong water system na makakaiwas sa kontaminasyon ng mga waterborne na pathogens tulad ng mga virus sa iniinom na tubig. Ang mga kahilingan sa paggagamot na ito ay kinabibilangan ng filtration at mga disinfectant tulad ng chlorine na nag-aalis o pumapatay sa mga pathogen bago umabot sa gripo ang mga ito. Dagdag pa dito, sinabi ng World Health Organization (WHO) EXIT na, “ang nakaugalian at centralized water treatment methods na gumagamit ng filtration at disinfection ay di magpapagana sa COVID-19 virus.”
Patuloy rin ang pakikipagtrabaho ng EPA sa aming mga pederal na kapartner, kasama na ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC), at patuloy na magbibigay ng teknikal na tulong at suporta sa mga estado,ayon sa naaangkop.
Ano ang dapat kong gawin kung nababahala ako sa aking iniinom na tubig?
Sinabi ng World Health Organization (WHO) EXIT na, “ang pagkakaroon ng COVID-19 virus ay di natuklasan sa mga supply ng iniinom na tubig at batay sa kasalukuyang mga katibayan na mababa ang panganib sa mga supply ng tubig.”
Ang mga homeowner na nakukuha ang kanilan tubig mula sa pampublikong water utility ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang provider para lubos pang malaman ang mga ginagamit na paggagamot. Ang mga paggagamot ay maaaring kinabibilangan ng filtration at mga disinfectant tulad ng chlorine na nag-aalis o pumapatay sa mga pathogen bago umabot sa gripo ang mga ito.
Ang mga homeowner na may pribadong balon na nababahala sa mga pathogen tulad ng mga virus sa iniinom na tubig ay maaaring ikonsidera ang mga pamamaraan na nagtatanggal ng bakterya, virus, at iba pang mga pathogen, kasama na ang certified home treatment na mga device.
Wastewater at Mga Septic System
Maaari ba akong magkaroon ng COVID-19 mula sa wastewater o sewage?
Ipinahiwatig ng World Health Organization (WHO) EXIT na “walang katibayan hanggang sa ngayon na ang COVID-19 virus ay nalilipat sa pamamagitan ng mga sewerage system, na nagamot o hindi na wastewater.”
Magagamot ba ng aking septic system ang COVID-19?
Habang ang mga decentralized wastewater na paggagamot (hal. mga septic tank) ay hindi nagdi-disinfect, inaasahan ng EPA ang maayos na pinamamahalaang septic system na gamutin ang COVID-19 sa parehong paraan na ligtas na pinamamahalaan nito ang iba pang mga virus na madalas na natatagpuan sa wastewater. Dagdag pa dito, kapag nakabit nang maayos, ang septic system ay matatagpuan sa isang distansya at lokasyon na ginawa para maiwasan na maapektuhan rin sa supply ng tubig.
Nagagamot ba ng mga wastewater treatment plan ang COVID-19?
Oo, ginagamot ng mga wastewater treatment plant ang mga virus at iba pang mga pathogen. Ang Coronavirus, na nagdudulot ng COVID-19, ay isang uri ng virus na tiyak na nanghihina sa disinfectation. Ang standard na paggagamot at mga proseso ng disinfectation sa mga wastewater treatment plan ay inaasahan na mabisa.
Dapat bang higit na mag-ingat ang mga manggagawa sa wastewater para maprotektahan ang kanilang sarili mula sa COVID-19 virus?
Dapat tiyakin ng mga wastewater treatment plant operation na ang mga manggagawa ay sumusunod sa routine na pamamalakad para maiwasan ang pagkakalantad sa wastewater. Kabilang dito ang pagpapatupad ng mga pagkokontrol sa engineering at administratibo, ligtas na pamamalakad sa pagtatrabaho, at ang personal protective equipment na karaniwang kinakailangan sa mga gawain sa trabaho kapag namamahala sa mga di nagagamot na wastewater. Walang mga karagdagang tiyak sa COVID-19 na proteksyon ang inirerekumenda para sa mga empleyado na kasangkot sa wastewater management na mga operasyon, kasama na iyong mga wastewater treatment facility.
Ok lang bang i-flush ang mga disinfecting wipes?
Hinihikayat ng EPA sa mga American na toilet paper lang ang i-flush. Ang mga disinfecting wipes at iba pang mga item ay dapat mainam na itapon sa basurahan, hindi sa toilet. Ang mga wipes na ito at ang iba pang mga item na hindi nasisira sa sewer o mga septic system at maaaring makasira sa loobang plumbing ng inyong tirahan at pati na rin ang lokal na mga wastewater collection system. Bilang resulta nito, ang pag-flush ng mga wipes na ito ay maaaring magdulot ng pagbabara ng inyong toilet at/o makakalikha ng mga pagbabara sa sewage papunta sa inyong tirahan o neighborhood. At, ang mga wipes na ito ay maaaring maging sanhi ng malaking pinsala sa mga tubo, pump, at iba pang mga kagamitan sa wastewater treatment. Ang sewer backups ay isang banta sa kalusugan ng publiko at isang hamon sa ating mga water utility sa pamamagitan ng pagdadala sa ibang lugar ng mga pinagkukuhanan mula sa mahahalagang trabahong ginagawa para gamutin at pamahalaan ang wastewater ng bansa. Ang disinfecting wipes, baby wipes, at paper towels ay HINDI DAPAT KAILANMAN i-flush.