Mga Pagbabahagi ng Impormasyon ng Real Estate tungkol sa Potensyal na mga Panganib ng Lead
Real estate disclosures about potential lead hazards in Tagalog. May kaugnayan na impormasyon sa Ingles.
Impormasyon para sa mga bumibili ng bahay, umuupa, tagapangasiwa ng property, landlord, ahente, at mga nagbebenta ng bahay.
Bagama’t ipinagbawal sa U.S. ang paggamit ng lead-based na pintura sa mga bahay noong 1978, mayroon pa rin nito sa milyon-milyong bahay. Karaniwang hindi mapanganib ang lead-based na pintura kung mabuti pa ang kondisyon nito. Gayunpaman, mapanganib at kailangan agad ng atensyon ang mga lead-based na pintura na nasisira na (natutuklap, umaangat, napupulbos, nagbibitak-bitak o sira). May mahalagang tungkulin na ginagampanan ang mga nagbebenta, landlord, ahente ng real estate at tagapangasiwa ng property sa pagprotekta sa kalusugan ng mga pamilyang bumibili o umuupa sa mga tahanan, paupahan, at condominium.
Inaatasan ng Panuntunan sa Pagbabahagi ng Impormasyon tungkol sa Lead-Based na Pintura ang mga nagbebenta, landlord, ahente ng real estate, at tagapangasiwa ng property na magbahagi ng partikular na impormasyon tungkol sa lead-based na pintura at mga panganib ng lead-based na pintura bago lumagda ang mga uupa at bibili ng bahay sa kasunduan ng pag-upa o kontrata. Nalalapat ang panuntunang ito sa karamihan ng pribadong pabahay, pampublikong pabahay, pabahay na pagmamay-ari ng pederal na gobyerno, at pabahay na nakakatanggap ng pederal na tulong na itinayo bago ang taong 1978. Ang layunin nito ay matulungan ang mga tao na magsagawa ng mas may kabatirang mga desisyon batay sa natanggap nilang impormasyon. Gayunpaman, hindi nalalapat ang Panuntunan sa Pagbabahagi ng Impormasyon tungkol sa Lead-Based na Pintura sa:
- Mga bahay na walang silid-tulugan, tulad ng mga efficiency, loft, at dormitoryo (maliban na lang kung may nakatira o inaasahang may titirang bata na wala pang 6 na taong gulang sa bahay na iyon);
- Nagpapaupa nang 100 araw o mas maikli, tulad ng mga bahay bakasyunan o mga panandaliang paupahan kung saan hindi maaaring mag-renew o pagpapahabain ang kasunduan sa pag-upa;
- Bahay na para lang sa mga matatanda o taong may kapansanan (maliban na lang kung may nakatira o inaasahang may titirang bata na wala pang 6 taong gulang sa bahay na iyon);
- Mga bahay kung saan nasuri ang mga pininturahang ibabaw ng sertipikadong inspektor ng lead-based na pintura o tagapag-aseso ng panganib at napag-alamang walang lead ang pintura;
- Mga foreclosure sale; at
- Mga pabahay na ipinatayo pagkatapos ng taong 1977.
Mga Kinakailangan sa Ilalim ng Panuntunan sa Pagbabahagi ng Impormasyon
Ang mga bumibili ng bahay at umuupa sa karamihan ng pribado, pampubliko at pederal na pagmamay-aring bahay na itinayo bago ang 1978 at nakakatanggap ng pederal na tulong sa pabahay ay may karapatang malaman kung may lead-based na pintura at kung may mga panganib ng lead-based na pintura bago lumagda sa kontrata o kasunduan sa pag-upa. Bago lumagda ang bumibili ng bahay sa kontrata para sa bentahan ng bahay o ang umuupa sa kasunduan sa pag-upa, inaatasan ng pederal na batas sa mga nagbebenta, landlord, ahente ng real estate at tagapangasiwa ng property na:
- Bigyan ang mga bumibili at umuupa ng kopya ng polyetong Protektahan ang Iyong Pamilya mula sa Lead sa Iyong Tahanan na may impormasyon sa pagtukoy at pangangasiwa sa lead-based na pintura at mga panganib ng lead-based na pintura. Available ito sa maraming wika.
- Ibahagi ang anumang nababatid na impormasyon tungkol sa pagkakaroon ng lead-based na pintura at mga panganib ng lead-based na pintura sa bahay o gusali. Maaaring kasama rito ang lokasyon ng lead-based na pintura at ang kondisyon ng mga pininturahang ibabaw.
- Ibigay ang lahat ng available na dokumento at ulat tungkol sa pagkakaroon ng lead-based na pintura at mga panganib ng lead-based na pintura sa pabahay na ibinebenta o pinapaupahan. Para sa mga gusaling maraming unit, kasama rito ang mga common area at ang iba pang unit mula sa pagsusuri sa buong gusali.
- Magbigay ng "Pahayag ng Babala sa Lead" sa mga bumibili o umuupa na nagpapaliwanag na maaaring magdulot ng mga panganib sa kalusugan ang lead mula sa pintura kung hindi maayos na mapangasiwaan. Puwedeng kalakip ito o insinulat kasama sa kontrata o kasunduan sa pag-upa. Dapat nasa parehong wika ito ng iba pang bahagi ng kontrata. Dapat kasama rito ang kumpirmasyon na sinunod ng nagbebenta o landlord ang lahat ng kinakailangan sa ilalim ng Panuntunan sa Pagbabahagi ng Impormasyon tungkol sa Lead-Based na Pintura.
- Maaari nilang gamitin ang sample ng pagbabahagi ng impormasyon ng EPA para sa layuning ito.
- Sample ng Pagbabahagi ng Impormasyon ng Nagbebenta sa Ingles (PDF).
- Sample ng Pagbabahagi ng Impormasyon ng Nagpapaupa sa Ingles (PDF).
- Maaari nilang gamitin ang sample ng pagbabahagi ng impormasyon ng EPA para sa layuning ito.
- Magbigay sa mga bumibili ng bahay ng 10 araw para magsagawa ng inspeksyon ng pintura o pag-aseso ng mga panganib ng lead-based na pintura. Maaring pagkasunduan ng mga partido, nang may kasulatan, na pahabain o paikliin ang panahon para sa inspeksyon. Puwedeng i-waive ng mga bumibili ng bahay ang pagkakataong magsagawa ng inspeksyon. Kung nag-aalala ang bumibili ng bahay tungkol sa posibilidad na may lead-based na pintura, maaari silang kumuha ng sertipikadong inspektor para magsagawa ng inspeksyon ng lead-based na pintura bago bumili. Gamitin ang Locator ng EPA para sa Propesyunal sa Lead-Based na Pintura (available sa Ingles) para makahanap ng sertipikadong inspektor sa iyong lugar.
- Itago ang nilagdaang kopya ng mga pagbabahagi ng impormasyon nang tatlong taon pagkatapos ng pagbebenta o mula sa pagsimula ng kasunduan sa pag-upa.
- Kung sa elektronikong pamamaraan ibibigay ang kinakailangang impormasyon sa mga umuupa o bumibili, dapat kang magbigay ng: malinaw na pahayag ng karapatan nilang makatanggap ng mga papel na dokumento, mga pamamaraan para bawiin ang pahintulot at ang mga kahihinatnan nito, at kung paano maa-access at pamamalagiin ang mga elektronikong dokumento. Kung gagamit ng elektronikong pagbabahagi ng impormasyon, dapat humingi ng pahintulot mula sa umuupa o bumibili para mapakita na maaari nilang ma-access ang mga elektronikong dokumento. Dapat siguraduhin ng mga nagbebenta, landlord, tagapangasiwa ng mga paupahang property, at ang kanilang mga ahente na ang paggamit ng elektronikong teknolohiya ay nagbibigay sa mga umuupa o bumibili ng kumpletong access sa lahat ng materyal sa pagbabahagi ng impormasyon.
Puwedeng hilingin ng mga umuupa sa kanilang landlord o tagapangasiwa ng property na kumuha ng inspeksyon ng pintura mula sa sertipikadong inspektor (sa Ingles) bago lumagda sa kasunduan sa pag-upa; gayunpaman, hindi hinihingi sa mga landlord at tagapangasiwa ng property na gawin iyon alinsunod sa Panuntunan sa Pagbabahagi ng Impormasyon.
Dapat ipaalam ng mga ahente ng real estate sa mga nagbebenta ang kanilang mga obligasyon sa ilalim ng Notipikasyon sa Real Estate at Panuntunan sa Pagbabahagi ng Impormasyon. Pananagutan ng mga ahente, pati ng mga nagbebenta o nagpapaupa, na sumunod sa panuntunang ito maliban na lang kung hindi naibahagi ng nagbebenta o nagpapaupa ang lahat ng impormasyon sa ahente tungkol sa lead-based na pintura o mga panganib ng lead-based na pintura. Basahin ang mga regulasyon kung saan kasama ang mga kinakailangang ito (sa Ingles).
Ano ang Mangyayari kapag Hindi Sumunod ang Nagbebenta o Nagpapaupa sa Panuntunang Ito
Ipinapatupad ng EPA ang mga batas sa lead-based na pintura para protektahan ka at ang iyong pamilya (impormasyon sa Ingles). Maaaring sumailalim sa mga multa ang nagbebenta, landlord, ahente ng real estate o tagapangasiwa ng property na hindi nagbigay ng nararapat na impormasyon sa mga bumibili ng bahay at umuupa. Ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa lead-based na pintura at mga panganib ng lead-based na pintura ay nakakatulong sa mga bumibili ng bahay at umuupa na protektahan ang kanilang sarili at ang kanilang pamilya habang iniiwasan ang hindi pagkakaunawaan bago, habang, at pagkatapos ng mga kasunduan sa pagbebenta at pag-upa. Kung hindi ka nakatanggap ng pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa lead-based na pintura o sa mga panganib ng lead-based na pintura noong nagbili o nag-upa ka ng bahay na itinayo bago ang taong 1978, iulat ang impormasyong ito sa: epa.gov/lead/violation (sa Ingles).
- Magbasa pa tungkol sa kung paano ipinapatupad ng EPA ang mga batas hinggil sa lead-based na pintura (sa Ingles).
Higit Pang Impormasyon
- Fact Sheet para sa Panuntunan sa Pagbabahagi ng Impormasyon tungkol sa Lead-Based na Pintura (pdf)
- Notipikasyon sa Real Estate at Panuntunan sa Pagbabahagi ng Impormasyon, Seksyon 1018 ng Title X (sa Ingles)
- Mga tanong at sagot sa Ingles para sa Panuntunan sa Pagbabahagi ng Impormasyon tungkol sa Lead-Based na Pintura (sa Ingles)
- Gabay na Nagpapaliwanag sa Ingles para sa Komunidad ng mga Nagtatrabaho sa Real Estate sa mga Kinakailangan sa Pagbabahagi ng Impormasyon Tungkol sa Lead-based na Pintura sa Pabahay (sa Ingles)