Kumikilos ang EPA para Matiyak ang Availability ng Mga Disinfectant Product para Magamit Laban sa Novel Coronavirus
3/31/2020
Impormasyon sa Pakikipag-Ugnayan:
press@epa.gov
WASHINGTON — Ngayong araw, ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ay higit pang kumikilos para makatulong na mapadali ang produksyon at availability ng mga disinfectant na nakarehistro sa EPA. Pansamantalang papahintulutan ng EPA ang mga manufacturer ng ilang mga nakarehistro na sa EPA na disinfectant para makatamo ng ilang uri ng mga active ingredient mula sa alinmang souce ng mga supplier nang hindi muna tinitiyak sa ahensya. Ito ay ipapataw lang sa mga produkto na nasa List N ng EPA: Mga Disinfectant para Magamit Laban sa SARS-CoV-2. Ang pagkilos na ito ay ginawa makalipas ang anunsyo noong isang linggo tungkol sa katulad na pagkilos ng EPA sa ilang mga inert ingredient.
“Kritikal na ang supply ng mga disinfectant na nakarehistro sa EPA ay nakakatugon sa mga demand para sa mga nasabing produktong ito,” sinabi ni Alexandra Dapolito Dunn, Assistant Administrator ng Office of Chemical Safety and Pollution Prevention ng EPA. “Sa kilos na ito, mas mabuting napoprotektahan ng EPA ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pagtitiyak sa availability ng mga surface disinfectant na magagamit laban sa novel coronavirus.”
“Nagpapasalamat kami sa patuloy na partnership ng EPA habang nagkakaisa kaming magtrabaho para mapanatili na ang mga supply chain ng mga produktong panlinis ay mabilis ang pagdaloy, lalo na para sa mga disinfectant na kailangan ng mga ospital, manufacturer at consumer para magbigay proteksyon laban sa pagkalat ng coronavirus,” sabi ni Bryan Zumwalt, Executive Vice President for Public Affairs, Consumer Brands Association.
“Pinupuri namin ang EPA sa mabilis na pagkilos nito para maalis ang mga regulatory barrier sa mga walang pasimundang panahon tulad ngayon,” sabi ni Steve Caldeira, President & CEO of the Household & Commercial Products Association. “Ang patuloy na pakikipagtrabaho ng EPA sa mga disinfectant manufacturer ay lubos na mahalaga habang nagkakaisa kaming lahat para protektahan ang kalusugan ng publiko.”
Madalas ay hinihiling ng EPA mula sa mga disinfectant manufacturer na mag-apply muna at tumanggap ng aprubasyon mula sa EPA bago magsagawa ng pagbabago sa source ng active ingredient. Sa ilalim ng pagsusog na ito, ang mga manufacturer ay maaaring maghanap ng iba pang mga active ingredient mula sa mga alternatibong supplier, sabihin ito sa EPA, at agad na masimulan ang produksyon, sa kondisyon na ang magreresultang formulation ay kemikal na katulad ng kasalukuyang formulation. Ito ay makakatulong na mapagaan ang mga ulat n mga pagkakagambala sa supply chain ng mga nakarehistro na pesticide na nagma-manufacture ng mga disinfectant product sa List N ng EPA: Mga Disinfectant para Magamit Laban sa SARS-CoV-2. (Sa wikang Ingles)
Regular na tatasahin ng EPA ang patuloy na pangangailangan at saklaw nitong pansamantalang pagsusog at magbibigay ng update kung pagpasyahan ng EPA na kinakailangan ang mga pagbabago.
Ang mga karapat-dapat na active ingredient ay:
- Citric Acid
- Ethanol
- Glycolic Acid
- Hydrochloric Acid
- Hypochlorous Acid
- Hydrogen Peroxide
- L-Lactic Acid
- Sodium Hypochlorite
Pesticides, kasama ang mga disinfectants, na naglalaman ng parehong active at inactive (o inert) na mga ingredient. Ang mga active ingredient ay umiiwas, sumisira, nagpapatalsik o binabawas ang isang pest, sa ganitong kaso ang SARS-CoV-2, ang novel coronavirus na nagdudulot ng COVID-19. Ang lahat ng iba pang mga ingredient ay tinatawag na inert ingredients ng federal law. Ang mga ito ay mahalaga para sa pagganap ng produkto at paggamit nito.
Basahin ang pansamantalang pagsusog sa: www.epa.gov/pesticide-registration/prn-98-10-notifications-non-notifications-and-minor-formulation-amendments (sa wikang Ingles)
Para sa impormasyon ng EPA sa wikang Ingles sa COVID-19: www.epa.gov/coronavirus
Para sa karagdagang impormasyon sa COVID-19 sa iba pang mga wika: www.epa.gov/lep